Martes, Mayo 22, 2012

Ganda

Desperada raw ang isang escabeche. Mauubusan ka ba ng lalaki - or for that matter, ng babae - kaya ka pumatol sa may sabit? Siguro chaka ang escabeche, bilang papatusin na niya ang unang tao - bagay? hayop? bitter? charot! - na lumapit sa kaniya. Totoo ba iyan?

Basta ang alam ko nag-mahal lang ako. At sa kahuli-hulihan, may kasamaan ba talagang dulot ang pagmamahal? Bawal oo, pero masama? Hmmm... At excuse me, I know for a fact na hindi ako chaka. Ganda ko kaya!

Kaloka!

Pakilala

Bakit ganun? 'Pag nagpapakilala sila, 'pag nilalapitan ka nila, ang sinasabi nila single sila. Or minsan may omission din na nagaganap, all along ang paniwala mo single sila. Patay na, assuming ka kasi. Pero kasi naman ate, lalapitan ka, papa-sweet, kekeme ng mga na-iin love na ata sa iyo, siyempre ang iisipin mo single talaga. Tapos 'pag na-in love ka na, doon pa lang sasabihin na may sabit. Hanggang sa mapapapayag ka na rin kasi mahal mo na.

Bakit kaya sila ganun? Iyong sa iyo ganun din ba?

Nakakaloka!

Lunes, Mayo 21, 2012

Escabeche

Love is difficult... kaya I am difficult.
Love is a battlefield... kaya naman I'm a fighter.

Pero paano kung hindi mo pwedeng ipaglaban kasi ikaw si Anne Curtis sa No Other Woman?
THE Other Woman?

Kwentuhan tayo. Siyempre no judgments involved bilang hindi naman ako judge at hindi ka naman book. Basta ang alam ko pare-pareho tayong tao at sa bawat life experience na meron ka, natututo ka at ngayon, gawin natin itong paraan para matuto rin ang iba.

Magsusulat ako ng mga stolen moments at conflicts ng buhay at naging buhay ko in hopes na may maka-relate. Sana ikaw mag-kwento rin. Pwedeng mag-comment or pwede rin namang mag-MMK sa email ko: escabeche2012@yahoo.com.

Ang blog na ito ay para sa mga sakit sa puso - at aminin na rin natin - sakit sa utak. Bilang minsan pinipili pa rin nating dumampot ng batong ipupukpok sa sarili nating ulo... or minsan kasi, wala ka ring choice. Love daw kasi, it comes like a thief in the night. Parang judgment day, kaloka.